Ang Propesiya ng Tantheon

Isang batang manggagaway na Tantheon ang naghahalo ng mga sangkap upang gumawa ng gamot para sa mga nasugatan ang siyang nakakita sa kakaibang pormasyon sa langit. Kanyang kinilala ito bilang ang propesiya ng pag-asa na nakasaad sa mga mahiwagang tableta ng Tantheon. Nakasaad dito na sa panahon ng kadiliman ng Tantheon, tatlong liwanag ang magsasama sa ibabaw ng mata ng langit at apat na mandirigmang nagaangkin ng lakas na tulad sa mga diyos at magtatanggol sa Tantheon sa kasawian ang siyang ipanganganak. Sinabi niya kaagad ito sa kanyang guro. Ipinahayag ng mangagaway na malapit na matapos ang paghihirap ng mga Tantheon sa kanyang mga ka-nayon.

Lingid sa kanilang kaalaman na magkatulad ang kanilang mga propesiya at may isang tanong ang nananatili:
Alin sa kanila ang makapagpapalabas ng mga bayaning nabanggit na siyang lulupig sa kasamaang paparating at maaaring manguna sa pagsakop sa kabilang puwersa?

At nagsimula na ang pinakadakilang labanan sa mundo ng nasawing paraiso kung saan ang mga mandirigmang Tantheon at Drakhan ay magsasagupaan upang patunayan ang kanilang propesiya at tanggapin ang kanilang mga kapalaran bilang mga tagapagligtas!