Ang Propesiya ng Drakhan
Isang gabi, nakita ng mga pari ng Drakhan ang kakaibang konstilasyon sa kalangitan na tumutugma sa propesiya ng kanilang mga ninuno. isang propesiya ng pag-asa ng kanilang lupon. Naka-saad sa propesiya na may tatlong bituwin ang magbabanggaan sa taas ng bilog na buwan sa panahon ng karimlan. Apat na mandirgma, ang mga pinaka-malakas sa buong mundo ang siyang isisilang. Sila ang natatanging pag-asa ng Drakhan at ng buong mundo mula sa tiyak na kapahamakan. Sinabi ito ng mga pari sa pinuno ng Drakhan. Sa pagkarinig dito, nagpasalamat ang pinuno sa mga Diyos para sa pag-asang ibinigay sa mga Drakhan.