Panimulang yugto sa lupon ng mga Drakhan at Tantheon


Sinasabing nagmula ang lahat sa mga mahihiwagang nilalang na sina Likalibutan, ang sumasakatawan sa tapang at lakas; Liadlao, ang maestro ng tadhana at kayamanan; Libulan, ang galanteng romantiko; at Lisuga, ang natatanging babaeng kumakatawan sa kagandahan at pananampalataya. Sila ang humubog sa mga lupain upang magkaroon ng katinuan sa bumabalot na kaguluhan ng mundo. Sinasabi ng mga nakatatanda na sila'y mga diyos at diyosa na siyang pinagmulan ng bawat taong nabubuhay sa mundo. Silang ang mga huwaran ng mga sinaunang tribung nanirahan sa mga lupain.

Nabuhay ng magkakasama ang mga sinaunang tribo at nagkaroon sila ng iba'tibang ugnayan. Nangalakal at nakipagpalitan sila, bumuo ng mga kasunduan, at nagkaroon ng mga hidwaang nag-udlot ng mga labanan sa pagitan nila. Isang di-mawaring relasyon ang nanaig sa pagitan nila na nagdulot sa pagsasama at pagkawala ng iba.

Matapos ang matagal na panahon, nanig ang dalawang pinaka matatag na tribo na siyang sumakop at kumupkop sa iba pang mga tribo. At di nagtagal ay silang dalawa na lamang ang nanatili sa buong lupain. Itinatag nila ang kanilang mga sarili bilang mga lupon at kanilang pinaghusayan pa ang kanilang kultura at paraan ng pamumuhay.