Lupon ng Tantheon

Di-gaya ng lupon ng Drakhan, namuhay ang lupon ng Tantheon ng walang permanenteng tirahan at kanilang hinarap ang malulupit na kondisyung hated ng kapaligiran. Para sa kanila, kaso ng buhay o kamatayan ang lahat. Dahil karamihan sa kanila ay nagmula sa angkan ng matapang na si Likalibutan, sila ang pagsasakatawan ng tapang at lakas kung kaya naman nagawa nilang mabuhay ng ganito. Nabuhay ang mga matatatag na mandirigmang ito sa pamamagitan ng pangangaso at palaging listo sa mga parating na panganib. Dahil sa kondiyon ng kanilang pamumuhay, lumakas sila. Humusay ang kanilang paningin, pandinig, pang-amoy at pandama. Naging labis sa pangkaraniwan ang kanilang lakas habang nabubuhay sila sa mga masasalimuot na lugar. Matatatag na katawan at di-nagmamaliw na katapangan. sila'y naging perpektong mandirigma.

Di nagtagal, napasok nila ang mga teritoryo ng iba pang mga lupon at tribo. Dahil sa kanliang angking lakas at galing sa pakikipaglaban, nalupig nila ang mga ito. Taglay ng kanilang mga bandera ang imahen ng isang Tigra na kilala bilang isang malakas na hayop, sumisimbolo sa katapangan, kabayanihan at bangis. Walang pagmamaliw ang sigaw ng mga Tantheon at nagbabaon ng takot sa kaluluwa ng kanilang mga kalaban ang lupit at bangis na kanilang ipinapakita.

Maraming natalo ang mga Tantheon at ang iba nama'y nagpasyang sumali sa kanila kaysa masagasaan ng rumaragasang puwersa ng lupon. Hindi nagtagal, lumaki rin ang kanilang komunidad kung kaya naman nagpasya silang mamirmihan na lamang sa isang lugar. Bagamat nanatili lamang sila sa isang lugar, pinagpatuloy pa rin nila ang kanilang pagsasanay at pagpapalakas upang hasain ang kanilang mga kakayahan at pagyamanin ang kanilang paraan ng pakikipaglaban.

Hindi sila naniniwala sa pagsuko at Masaya nilang yayakapin ang kamatayan sa pakikipaglaban kaysa sumuko sa kalaban. Ito ang kultura ng Tantheon, katapangan sa harap ng pagkatalo at paggamit ng lakas upang makamit ang pagkapanalo. upang maging pinakamagaling!

Bilang mga natitirang lupon sa lupain, nagging magkarebal ang Drakhan at Tantheon. Hinangad ng Tantheon ang yamang taglay ng mga Drakhan samantalang naakit ang Drakhan ng kakaibang kultura at kakayanang taglay ng Tantheon. Sa mga pagkakataong naglalaban ang dalawang puwersa, namamangha ang mga Tantheon sa taglay na gilas ng mga Drakhan samantalang namangha naman ang mga Drakhan sa angking tapang at lakas ng mga Tantheon.

May mga pagkakataon naman na magkasamang lumalaban ang dalawang lupon at hinaharap ang mga halimaw na sumasalakay sa kanilang mga nayon. Sa mga pagkakataong ito tila likas na magkaakibat ang kanilang paraan ng pakikipaglaban at nagpapakita sila ng napakalakas na kapangyarihan. Tila pinapalakas at pinapagaling ng dalawang lupon ang bawat isa. Napansin ng mga pinuno ng bawat lupon na marahil ay may mas mataas na layunin ang dalawang lupon. Tumaas ang respeto nila sa bawat isa at lalo nilang kinilala ang kakaynan ng kabilang grupo.

Kinailangan rin nilang makipagpalitan at makipagkalakalan upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa. Dahil dito, naging natatanging ang relasyon ng Drakhan at Tantheon.

Dahil sa mga paglalaban na nangyayari sa pagitan ng dalawang lupon at maling paggamit ng mga yaman, nagalit ang pinunong diyos na si Battara. Sa sobrang galit, pinahintulutan niya ang diyos ng karimlan na si As-Huwang na palayain ang ilan sa kanyang mga alagad upang maturuan ng leksyon ang mga mapangabusong mortal. Nakita ito ni As-Huwang bilang isang pagkakataon upang agawin ang trono mula kay Battara. Sinunod niya ang sinabi ni Battara at pinakawalan ang ilan sa mga alagad. Nagimbal ang mga tao sa lakas at bangisng mga bagong nilalang na sumalakay sa kanilang mga nayon. Pilit na pinanood ni Battara ang kaganapan sa lupa. May bahagi sa kanya na ikinasusuklam ang mga pangyayari ngunit kanyang napagpasyahan na kailangang mangyari ito upang maturuan ng leksyon ang mga mortal. Nang makita ni As-Huwang na nag-iisip ng malalim ang pinuno, kanyang ginamitan ng sumpan ito na nagdulot ng pagkawala ng malay ng pinuno. Napasailalim na ng kapangyarihan ng malupit na diyos si Battara.

Nagtagumpay ang binalak ni As-Huwang at naagaw niya ang trono habang nagimbal at natakot naman ang ibang mga diyos at diyosa. Ginamitan din niya ng sumpa ang iba pang mga diyos at diyosa upang siguraduhing walang lalaban sa kanya. Matapos ito'y pinakawalan pa niya ang higit na malalakas na mga alagad sa lupa. Humalakhak ang masamang diyos habang lumalaban ang mga mortal upang mabuhay.

Sa isang himala, nakatakas kay As-Huwang ang magkakapatid na diyos at diyosa na sina Tala, ang diyosa ng mg bituwin; Ma-yari, ang diyosa at tagaprotekta ng buwan; at Apo Laki, ang diyos ng pakikipaglaban. Nalaman nila ang natatanging kahinaan ng malupit na diyos at sama-sama nilang pinagplanuhan ang pagpapabagsak kay As-Huwang.

Samantala, patuloy na nakipaglaban ang dalawang lupon sa mga malulupit na mga alagad ni As-Huwang upang mabuhay. Napansin nila na tila lumalakas ang mga ito sa bawat araw na lumilipas at marami na sa kanila ang namatay habang pinoprotektahan ang kanikanilang nayon. Lumalakas si As-Huwang habang natatakot ang mga mortal na mandirigma at patuloy pa nyang pinakawalan ang kanyang mga alagad upang lalo pa siyang lumakas. Nasira ang kapaligiran at unti-unting nawalan ng pag-asa ang mga mandirigmang Drakhan at Tantheon hanggang dumating ang isang gabi.

Sinimulan na ng magkakapatid na sina Tala, Ma-Yari at Apo Laki ang kanilang plano. Pinagsama-sama ni Tala ang tatlong bituwin sa ibabaw ng bilog na buwan ni Ma-Yari. Dahil dito, nakagawa sila ng tulay patungo sa mundo ng mga tao kung saan dumaan si Apo Laki at ipinamahagi ang kanyang lakas sa mga tagalupa.